Advocacy Support Group, nagsagawa ng Tree Planting Activity sa Antique

Antique – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga miyembro ng Advocacy Support Group na ginanap sa Sitio Viejo, Brgy Poblacion, Sebaste, Antique nito lamang ika-26 ng Oktubre 2023.

Ang naturang aktibidad ay inisyatiba ng Environment and Natural Resources Office bilang bahagi ng Microwatershed rehabilitation, development and maintenance project kasama ang mga kawani ng Sebaste MPS, Sebaste BFP, Sebaste LGU na kinabibilangan ng mga Tourism Department, Municipal Environment and Natural Resources Office, at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Ang grupo ay nakapagtanim ng 400 na puno at halamang prutas sa nasabing barangay na naglalayong mapanatili ang kagandahan ng kalikasan at mapakinabangan ng komunidad.

Ipinapakita ng naturang grupo katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno ang mahalagang papel ng kooperasyon at pagkakaisa sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagpapalaganap ng kamalayan ukol sa kahalagahan ng mga proyektong pangkalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *