KKDAT nakiisa sa Trick or Treats sa Zaragoza, Nueva Ecija

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang Trick or Treats party para sa mga bata ng Barangay Del Pilar na ginanap sa Zaragoza Municipal Police Station, Nueva Ecija nito lamang Huwebes, ika-26 ng Oktubre 2023.

Pinangunahan ito ni Police Major Ronnie G Caagbay, Chief of Police ng Zaragoza Municipal Police Station. Namigay ng mga loot bags sa mga bata na naglalaman ng mga candies bilang bahagi ng nasabing aktibidad.

Patuloy ang mga miyembro ng KKDAT sa pagsuporta sa iba’t ibang programa ng pulisya lalo na sa paghahatid ng saya sa mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *