Force Multipliers nakiisa sa Clean-Up Drive sa Casiguran, Aurora

Nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang Clean-Up Drive sa Barangay Esteves, Casiguran, Aurora nito lamang Huwebes, ika-26 ng Oktubre 2023.

Dinaluhan rin ito ng mga tauhan ng Casiguran Municipal Police Station, Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company, PNP Maritime Group, Faith Based Advocacy Support Group, Force Multipliers, Municipal Environment and Natural Resources Office at mga opisyal ng barangay.

Nagtulungan sa paglilinis sa pamamagitan ng pamumulot ng mga plastic na nakakalat sa mga gilid ng kalsada.

Patuloy ang mga miyembro ng Force Multipliers sa pakikilahok sa mga aktibidad na nagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran at nangangalaga ng kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *