21 estudyante nakiisa Sa “Pulis Ko, Titser Ko” sa Bukidnon

Masayang nakiisa ang 21 estudyante sa isinagawang “Pulis Ko, Titser Ko” ng Revitalized Pulis sa Barangay Kitaotao Cluster 3 sa Barangay Tawas, Purok 2, Kitaotao, Bukidnon nito lamang ika-24 ng Oktubre 2023.

Ito ay pinangunahan ni Police Corporal Gems Roland J Aniñon sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Jovit Lontac, Officer-In-Charge, Bukidnon Police Provincial Office. Ilan sa tinuro ng R-PSB ay wastong kalinisan, pagpapahalaga, pagiging makabayan, pagkatakot sa Diyos at pagmamahal sa magulang.

Layon ng aktibidad na mabigyan ng karagdagang kaalaman at positibong pananaw sa buhay at mailayo sa mapanlinlang na paniniwala ng mga teroristang grupo at banta ng ilegal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *