Coastal Clean-Up Drive isinagawa sa Mariveles, Bataan

Nagkaisa ang pulisya at Kaligkasan Advocacy Support Group sa isinagawang Coastal Clean-up Drive sa Barangay Cabcaben, Mariveles, Bataan nito lamang Sabado, ika-4 ng Nobyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Bataan 2nd Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Elias L Tait, Force Commander.

Nagtulungan ang mga naturang grupo na mamulot ng mga plastik na nakakalat sa dalampasigan na maaaring magdulot ng polusyon sa karagatan.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng karagatan upang maging ligtas para sa mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *