Mobile Library at Bible on Wheels, nilahukan ng KKDAT Liloan Chapter

Cebu – Nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Liloan Chapter sa isinagawang Mobile Library at Bible on Wheels sa Brgy. Tabla, Liloan Cebu, noong Nobyembre 5, 2023.

Ang aktibidad ay personal na dinaluhan ni Police Colonel Percival R Zorilla, Provincial Director ng Cebu Police Provincial Office at Barangay Officials ng naturang barangay.

Naging bahagi ng programa ang paglulunsad ng storytelling, lecture patungkol sa VAWC, Anti-Child Abuse Law at Revised Rule on Children in Conflict with the Law, pagbabahagi ng food packs, tsinelas at bags sa mga bata, at feeding activity.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong tulungan ang mga bata na maging produktibo sa pag-aaral at maging daan at inspirasyon sa pagtupad ng kanilang mga pangarap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *