Advocacy Support Group, nagsagawa ng Community Outreach Program sa Antique

Antique- Nagsagawa ang mga miyembro ng advocacy support group ng community outreach program sa Sebaste High School, Brgy. Idio, Sebaste, Antique nito lamang ika-11 ng Nobyembre 2023.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Lea Ortega-Lumogda Community Outreach Program sa pakikipagtulungan ng LRL Motor Vehicle Parts and Accessories Shop, Culasi, Antique, LGBTQIA+ community Sebaste Chapter, Supreme Secondary Learner Government Officers at Sebaste MPS.

Masayang tinanggap ng mga mag-aaral ang libreng meryenda na hatid ng grupo katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno na nagbigay kasiyahan sa kanila.

Ang malasakit at pagtutulungan ng Lea Ortega-Lumogda Community Outreach Program at iba pang volunteers ay nagbibigay inspirasyon sa iba na makiisa sa adbokasiya ng pagtulong sa kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *