Force Multipliers nanguna sa Tree Planting Activity sa Dingalan Aurora

Pinangunahan ng mga miyembro ng Fraternal Eagles Club CLR XXVI ang Tree Planting Activity sa loob ng Ibona Elementary School, Barangay Ibona, Dingalan, Aurora nito lamang Sabado, ika-11 ng Nobyembre 2023.

Dinaluhan ito ng mga tauhan ng Aurora 1st Provincial Mobile Force Company kasama ang mga mag-aaral, magulang at mga guro ng naturang paaralan.

Umabot sa 300 na namumungang punong-kahoy ang naitanim. Layunin ng aktibidad na muling mapayabong ang kapaligiran at magsilbing lilim para sa mga mag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *