Coastal Clean-Up Drive isinagawa sa Candelaria, Zambales

Nagkaisa ang pulisya at mamamayan sa isinagawang Coastal Clean-Up Drive sa dalampasigan ng Barangay Uacon, Candelaria, Zambales nito lamang Martes, ika-14 ng Nobyembre 2023.

Nakilahok sa aktibidad ang mga tauhan ng Local Government Unit ng Candelaria, mga miyembro ng Zambales Hotel Resort and Restaurant Association Inc. at iba pang Non-Government Organization.

Tulong-tulong nilinis ang dalampasigan sa pamamagitan ng pamumulot ng mga plastik na nakakalat sa lugar na maaring magdulot ng polusyon sa karagatan.

Ang aktibidad ay naglalayong mapanatili ang kalinisan ng dalampasigan upang maging ligtas sa mga mamamayan lalo na sa mga turista na dumarayo sa nasabing lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *