Feeding Program isinagawa sa Pangantucan, Bukidnon

Matagumpay na naisagawa ang feeding program ng Revitalized Pulis sa Barangay sa Sitio Bongbong, Pangantucan, Bukidnon nito lamang ika-14 ng Nobyembre 2023.

Bitbit ang kanya-kanyang baso ay pumila ang mga kabataan sa hatid na mainit at masustansyang champorado ng mga awtoridad.

Ito ay sa pangangasiwa ni Police Colonel Jovit L Culaway, Officer-In-Charge, Bukidnon Police Provincial Office.

Naging kaagapay din sa aktibidad ang Adtuyon Health Unit, Barangay Council at mga residente ng naturang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *