Clean-up Drive isinagawa sa Sarangani Province

Isinagawa ng mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sarangani ang paglilinis sa kahabaan ng National Highway Maribulan, Sarangani Province at sa iba pang mga lugar na sakop ng Alabel, Sarangani nito lamang araw ng Huwebes, Nobyembre 23, 2022.

Ito ay naglalayon ding mapaangat ang kamalayan ng bawat tao upang mapangalagaan ang kalikasan at hikayatin ang mga mamamayan na iwasang magtapon ng anumang uri ng basura.

Lumahok din sa naturang aktibidad ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Department of Environment and Natural Resources, Philippine National Police, health workers, NGOs, mga opisyal ng barangay at 4Ps beneficiaries.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *