Tree Planting Activity isinagawa sa Casiguran, Aurora

Nagkaisa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa isinagawang Tree Planting Activity sa Esteves-Calabgan River, Casiguran, Aurora nito lamang Martes, ika-21 ng Nobyembre 2023.

Dinaluhan ito ng mga tauhan ng Local Government Unit, Municipal Environment and Natural Resources Office, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, Department of Environment and Natural Resources, Non-Government Organization at mga estudyante.

Ang aktibidad ay kaugnay sa pagsuporta sa pagpapatupad ng Republic Act 10176 o “Arbor Day Act of 2012” kung saan umabot sa 1,200 na mga punong kahoy ang naitanim sa lugar.

Patuloy ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagsasagawa ng mga aktibidad upang mapangalagaan ang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *