Project “PABASA” umarangkada sa Pangantucan, Bukidnon

Masayang nakilahok at nakinig ang mga estudyante sa Project “PABASA” ng Revitalized Pulis sa Barangay Pangantucan na ginanap sa Covered Court ng Purok 1, Barangay Bacusanon, Pangantucan, Bukidnon nito lamang Nobyembre 21, 2023.

Bahagi ito ng Library Program ng PNP na matutukan ang mga kabataan na lalong mahasa sa pagbabasa. Pinangunahan ang pagtuturo ni Police Staff Sergeant Mark P Gregory, Team Leader sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Colonel Jovit Lontac Culaway, Officer-In-Charge, Bukidnon Police Provincial Office.

Layunin nito na mailayo ang mga estudyante sa banta ng terorismo at ilegal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *