Bloodletting Activity isinagawa sa Cotabato

Nagsagawa ng bloodletting activity ang Cotabato Regional and Medical Center na ginanap sa Barangay Ladtingan, Pikit, Cotabato nito lamang Nobyembre 21, 2023.

Aktibong nakiisa at nag-alay ng dugo ang mga kawani ng Barangay Local Government Unit ng Ladtingan, Cotabato PNP, at iba pang mga pribadong grupo.

Ang nasabing aktibidad ay may temang “Bayani ka, Nasa dugo mo yan” na naglalayong makalikom, makatulong at makapagbahagi ng libreng dugo sa mga pasyenteng may malalang karamdaman at nangangailangan ng dugo.

Dahil rito, patuloy na inaanyahan ng Cotabato PNP ang may mabubuting kalooban na patuloy na makiisa sa mga aktibidad upang magkaroon ng sapat na supply ng dugo na magagamit sa oras na pangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *