200 estudyante nakiisa sa Crime Awareness Lecture sa Misamis University

Aktibong nakiisa ang 200 estudyante sa isinagawang crime awareness lectures ng mga kasapi ng Ozamis City Police Station sa Misamis University nito lamang Nobyembre 21, 2023.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng “White Ribbon Week 2023”. Ibinahagi at binigyang diin ni Police Staff Sergeant Jose Jeffrey Honoridez, Firearm PNCO, na nakatalaga sa Ozamis CPS ang mga pangunahing krimen na nangyayari at kung paano ito maiiwasan.

Bukid dito, itinuro din ang kakahinatnan kung sila ay gagamit at magbebenta ng ilegal na droga. Bahagi din ito ng pagpapalakas ng relasyon ng pulisya sa mga estudyante at magkaroon ng kamalayan ang kabataan sa masamang epekto ng ilegal na droga na sumisira ng buhay ng isang indibidiwal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *