Faith Based nakiisa sa Community Outreach Program sa Hermosa, Bataan

Nakiisa ang Faith Based Advocacy Support Group sa isinagawang Community Outreach Program para sa mag-aaral ng Child Development Center ng Barangay Mambog, Hermosa, Bataan nito lamang Martes, ika-12 ng Disyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Bataan 1st Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Brownson B Ollaging, Force Commander. Nagbahagi din si Pastor Cornelio Jiongco Jr., House of the Lord Christian Ministry ng mga salita ng Diyos sa mga munting mag-aaral at nagkaroon rin ng feeding program.

Layunin ng aktbidad na makapaghatid ng tulong at saya sa mga mag-aaral lalo na ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *