Faith-Based Advocacy Group sa Iloilo, nakiisa sa Gift Giving Activity sa Mayang Primary School

Nakiisa sa gift giving activity ang miyembro ng faith-based advocacy group sa mga mag-aaral ng Mayang Primary School sa Brgy. Mayang, Tubungan, Iloilo nito lamang ika-12 ng Disyembre 2023.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng 1st Iloilo Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni PMaj Joeven N Arevalo, Acting Force Commander.

Ang grupo ay namahagi ng tsinelas sa mga mag-aaral kasama ang 1st Iloilo PMFC Advisory Council, Pastor Edward Valentin, mga guro at kawani ng Mayang Primary School at ang mga opisyal ng barangay.

Kabuuang 90 pares ng tsinelas ang ipinamahagi sa mga mag-aaral sa nasabing paaralan na makakatulong sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay.

Layunin ng naturang grupo na magbigay ng tulong at kaligayahan sa mga kabataang mag-aaral na siyang magiging tulay sa mas magandang kinabukasan gayundin ang ipadama ang diwa ng kabutihan at pagmamalasakit sa kanilang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *