KKDAT Urdaneta Chapter, nakiisa sa Gift Giving Activity sa Northern Samar
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Urdaneta Chapter sa isinagawang Gift Giving Activity sa Brgy. Urdaneta, Lavezares, Northern Samar nito lamang Disyembre 15, 2023.
Ito ay inisyatiba ng mga tauhan ng 121 SAC 12 SAB PNP SAF, 804th MC Advisory Council kasama ang mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo ng Urdaneta Chapter.
Sa pinakasimpleng paraan upang ibalik ang mga biyaya, ang grupo ay nagsagawa ng “Gift Giving Activity” sa kabataan ng Brgy. Urdaneta sa simpleng pagsali sa kanila sa ilang mga laro kung saan nanalo sila ng mga premyo, pagbibigay ng food packs, regalo at ang ngiti sa mukha ng mga bata ay isang ehemplo ng kagalakan at kaligayahan.
Ang Pasko ay ang panahon ng pagbibigay at pagbabahagi ng ating mga pagpapala, pagbibigay nang walang iniisip na kapalit. Ang Kagalakan na makapagbigay at makapagpasaya sa isang tao ay walang kapantay.