Outreach Activity, handog sa mga batang Naujan
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ng bawat mag-aaral sa isinagawang outreach activity ng iba’t ibang advocacy group ng Naujan na ginanap sa Aurora Central Elementary School, Barangay Aurora, Naujan, Oriental Mindoro nito lamang Martes, ika-13 ng Pebrero 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Bb. Tina Gutierrez Jara, Presidente ng Batang Naujan, mga opisyal ng Barangay sa pangunguna ni Punong Barangay Kagawad Jayson De Castro, Barangay Health Workers, Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), Mindoro State University-Bachelor of Science in Criminology Intern, Community Anti-Crime Group, kasama ang Naujan Municipal Police Station.
Humigit kumulang 200 na mag-aaral mula sa iba’t ibang antas ang naging benepisyaryo na naturang aktibidad.
Kabilang sa isinagawa ang feeding program at pamimigay ng wheelchair para sa mga batang may kapansanan.
Ang programang ito ay bahagi ng PNP 5-Focused Agenda (Community Engagement) kung saan masasalamin ang pagtutulungan upang magkaroon ng malusog na pangangatawan ang bawat mag-aaral para masigurado na maging aktibo sa mga gawaing pang-paaralan.
Tunay nga talagang kabataan ang pag-aasa ng bayan, kaya hinihikayat ng grupo ang bawat isa na maging parte tayo upang maisulong ang pagtutulungan at pagkakaisa para sa pag-unlad ng ating bansa tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: Naujan MPS