Gift-Giving Activity isinagawa sa Apalit, Pampanga

Nagtulungan ang pulisya at Force Multipliers sa isinagawang Gift-Giving Activity para sa mga residente ng Barangay Balucuc at Barangay Cansinala, Apalit, Pampanga nito lamang Lunes, ika-25 ng Disyembre 2023.

Nanguna sa aktibidad ang mga tauhan ng Pampanga 1st Provincial Mobile Force Company at Apalit Municipal Police Station katuwang ang mga PNP Force Multipliers.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapaskuhan ay naghatid ng mga food packs at naghandog rin ng mga awiting pampasko para sa mga benepisyaryo.

Ang aktibidad ay naglalayong makapaghatid ng saya at maipadama sa mga mamamayan ang tunay na diwa ng kapaskuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *