BPATs nakiisa sa pagpapatrolya sa Santa Ignacia, Tarlac

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang pagpapatrolya ng pulisya sa Barangay Poblacion West, Santa Ignacia, Tarlac nito lamang Miyerkules, ika-27 ng Disyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Santa Ignacia Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Joseph B Morden, Chief of Police.

Nagtulungan ang BPATs at pulisya sa pagsasagawa ng Beat Patrol at Checkpoint sa naturang lugar.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *