Advocacy Support Group nagsagawa ng Community Outreach Program sa Malabon City

Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Advocacy Support Groups kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno sa Malabon City nito lamang Martes, Disyembre 26, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Ms. Rameriz Abogado Gina kasapi ng Philippine Guardians Brotherhood kasama ang Revitalized Pulis sa Barangay, JTF-NCR at mga kapulisan ng Malabon City Police Station.

Pinilahan ng mga residente ng Malabon ang kanilang inihandang mainit na lugaw at nagpapasalamat sa mga regalong hatid ng grupo.

Layunin ng gawaing ito na makapagbigay ngiti at pag-asa sa ating mga kababayan lalo ngayong Pasko at Bagong Taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *