Community Outreach Program isinagawa sa Limay, Bataan

Nagkaisa ang Faith-Based Volunteer at PNP sa isinagawang Community Outreach Program sa Barangay Saint Francis 1, Limay, Bataan nito lamang Biyernes, ika-29 ng Disyembre 2023.

Nagbahagi si Pastor John Albert Lansang, Faith-Based Volunteer ng mga salita ng Diyos mula sa Bibliya.

Nagkaroon din ng feeding program, gift-giving at nagbigay paalala ang pulisya sa mga bata patungkol sa pag-iwas ng paputok sa pagsalubong ng bagong taon.

Patuloy ang pagkakaisa ng mga pulisya at Faith-Based Advocacy Support Group sa paghahatid ng tulong sa mga mamamayan at magbigay inspirasyon lalo na sa mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *