Clean-up Drive Activity nilahukan ng Advocacy Support Groups sa Parañaque City

Aktibong lumahok sa isinagawang Clean-up Drive Activity ang mga Advocacy Support Groups sa Brgy. Sun Valley, Parañaque City nito lamang Sabado, ika-6 ng Enero 2024.

Katuwang sa aktibidad ang tauhan ng Parañaque City Police Station kasama ang Barangay Health Workers, mga Barangay Kagawad at Sangguniang Kabataan ng nasabing lugar.

Ito ay bilang bahagi sa pagdiriwang ng Annual Community Development Day kaya sama-samang naglinis ang mga grupo upang ipakita sa publiko ang magandang epekto ng pagkakaroon ng malinis na kapaligiran.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong itaas ang kamalayan sa komunidad tungkol sa tamang segregasyon ng mga basura at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang malinis at maayos na kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *