Clean-up Drive, isinagawa ng Force Multipliers sa Lapu-Lapu City

Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga miyembro ng Force Multipliers sa Brgy. Sabang Olango Island, Lapu-Lapu City nito lamang ika-6 ng Enero 2023.

Katuwang ng grupo ang mga tauhan ng Lapu-lapu City Police Station 1 sa pangunguna ni Police Major Felix C Cleopas III, Station Commander, BFP at Barangay Officials.

Ang programa ay alinsunod sa paglulunsad ng Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program (Kalinga at Inisyatibo para sa Malinis na Bayan).

Layunin nito na isulong ang kamalayan ng komunidad tungkol sa kahalagahan ng kalinisan, kaayusan, at wastong pagtatapon sa mga basura upang mapanatili ang kagandahan ng kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *