Community Outreach Program, nilahukan ng mga KKDAT sa Eastern Samar

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang Community Outreach Program sa Brgy. Saugan, Oras, Eastern Samar nito lamang Lunes ika-8 ng Enero 2024.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng mga tauhan ng 1st Eastern Samar PMFC na nilahukan ng mahigit 50 na mag-aaral ng Saugan Elementary School.

Tampok sa aktibidad ang pamamahagi ng meryenda. Ito rin ay alinsunod sa pagdiriwang ng PNP Ethics Day.

Layunin ng aktibidad na makapaghatid ng saya sa mga bata upang maging aktibo sila sa kanilang pag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *