Advocacy Support Group, nakiisa sa Clean-up Drive Activity sa NegOr

Negros Oriental – Masugid na nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Clean-up Drive Activity sa Barangay Maloh, Siaton, Negros Oriental noong Enero 7, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Siaton PNP sa pangangasiwa ni Police Major Danilo M Santillan, ACOP, kung saan nilahukan din ito ng Brgy. Officials sa pangunguna ni Barangay Captain Rosalino D Templado, BHW, Brgy. Tanods, Zeta Phi Omega, Maloh Chapter at KKDAT Siaton Chapter.

Lubos naman ang kasiyahan at pasasalamat ng nasabing barangay sa aktibidad na isinagawa ng grupo na naglalayong masiguro ang kalinisan at kaligtasan ng bawat residente ng nasabing barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *