Barangay-Based Groups, nakiisa sa Dayalogo at Koordinasyon ng Antipolo City PNP

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay-Based Groups sa isinagawang dayalogo at koordinasyon ng Antipolo City PNP sa Brgy. Dalig, Antipolo City, Rizal nito lamang Martes, Enero 9, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunuhan ni Police Staff Seargeant Ron Ely Comia, sa direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Ryan L Manongdo, Acting Chief ng Antipolo City Police Station na dinaluhan ni Hon Catalino M Leyva (Brgy. Official), Day Care Workers at mga guro ng nabanggit na barangay. Tinalakay ang patungkol sa Ligtas Balik-Eskwela 2023, Safe Spaces Act, Campaign Against Illegal Drugs, Anti-Criminality at Anti-Terrorism.

Layunin nitong mapanatili ang kanilang kaligtasan sa nasabing barangay at madagdagan ang kaalaman ng mga taga-barangay sa mga batas, krimen, droga at insurhensya para maiwasan g maging biktima nito at mapanatili ang kaligtasan, kaayusan at kapayapaan sa komunidad.

Source: Antipolo City Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *