Barangay Assembly, isinagawa
Matagumpay na naisagawa ang Barangay Assembly sa Mariki, Zamboanga City nito lamang ika-27 ng Mayo 2025.
Nakiisa sa programa ang Zamboanga City Police Station 11 sa pamumuno ni Police Captain Ariel S Cabanlong, Officer-In-Charge katuwang ang mga opisyal ng nasabing barangay.

Nagbigay inspirasyon at pagkakaisa ang PNP sa isinagawang aktibidad at nagbigay ng makabuluhang mensahe ukol sa kamalayan laban sa Ipinagbabawal na Gamot at sa inisyatibong ELCAC (Ending Local Communist Armed Conflict).
Hinimok din ang mga dumalo na makiisa sa pagtataguyod ng isang ligtas at maayos na pamayanan na malaya sa krimen.

Layunin ng nasabing aktibidad na pataasin ang kamalayan laban sa ipinagbabawal na gamot at ipaabot ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng bawat isa sa kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan.