Libreng Medikal Check-up at Konsultasyon para sa mga Senior Citizens, isinagawa sa Bukidnon
Lubos ang pasasalamat ng mga senior citizen sa lungsod ng Malaybalay dahil sa libreng medikal check-up at konsultasyon na isinagawa nito lamang ika-28 ng Mayo 2025 sa tanggapan ng OSCA, City Hall Compound, Casisang, Malaybalay City, Bukidnon.
Pinangunahan ang aktibidad nina Dr. Kim T. Luardo, Rhona Jane C. Cape, RN at Apple Grace A. Ligutom, RN katuwang ang Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) at City Health Office (CHO).
Tinatayang 48 na senior citizen ang nakatanggap ng libreng medikal na konsultasyon, gamot, at bitamina.

Ang libreng medical check-up at konsultasyon para sa mga senior citizen ay isinasagawa tuwing ikalawa at ikaapat na linggo ng bawat buwan bilang bahagi ng patuloy na serbisyong-medikal.
Layunin ng programa na magbigay ng maayos, libre, at komportableng serbisyong-medikal para sa mga senior citizen na residente ng Malaybalay, gayundin sa pangangalaga ng kanilang kalusugan at kabuuang kapakanan.