Bloodletting Activity, pinangunahan ng Davao Regional Medical Center
Pinangunahan ng Davao Regional Medical Center ang isinagawang Bloodletting Activity sa Apokon, Tagum City nito lamang Mayo 29, 2025.
Ang aktibidad ay bahagi ng kampanya para sa pagpapalakas ng voluntary blood donation na layuning matugunan ang pangangailangan ng dugo ng mga pasyente sa iba’t ibang ospital sa rehiyon.

Aktibong nakiisa sa aktibidad ang mga tauhan mula sa Regional Police Community Affairs and Development Unit (RPCADU) 11 at Davao del Norte Police Provincial Office.
Ayon sa pamunuan ng kapulisan, ang kanilang pakikilahok sa mga programang tulad nito ay nagpapakita na ang kapulisan ay hindi lamang tagapagpanatili ng kapayapaan at kaayusan, kundi isa ring katuwang sa mga proyektong pangkalusugan at pangkomunidad.

Ang aktibidad na ito ay mabisang paraan upang ipamalas ang malasakit sa kapwa at makapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan, lalo na sa mga may malubhang karamdaman at sumasailalim sa mga operasyon. Sa pagtatapos ng programa, pinasalamatan ng mga organizers ang lahat ng dumalo at nakiisa, at umaasa silang mas marami pa ang mahihikayat sa mga susunod pang blood donation drives.