Dance Fitness Activity nilahukan ng Advocacy Support Groups sa Pasig City
Ganadong nakiindak at nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Groups sa isinagawang Dance Fitness activity sa Laxamana Covered Court, Brgy Pinagbuhatan sa Pasig City nito lamang Sabado, ika-13 ng Enero 2024.
Ang aktibidad ay bilang bahagi ng Community Immersion ng mga estudyante ng Police Community Affairs and Development Course (PCADC) Class “Bagwis-Alab” 02-051 kasama ang RPCADU-NCR bilang mga dance instructors kasama ang Pasig PNP.
Bukod sa paghataw, nagkaroon din ng feeding program para sa mga masiglang nakiisa sa programa. Layunin nitong palakasin ang ugnayan ng grupo sa ating mga komunidad upang magkaroon ng isang masaya at maunlad na bansa.