MENRE BARMM, nakiisa sa Tree Planting at Coastal Clean-Up Drive
Nakiisa ang Ministry of Environment, Natural Resources and Energy BAR sa isinagawang Tree Planting at Coastal Clean-Up Drive sa Mid-Valley, Nalil at Sunkist Beach, Bongao, Tawi-Tawi noong ika-24 ng Enero 2024.
Aktibong pinangunahan ng MENRE ang nasabing aktibidad katuwang ang Bongao Municipal Station na pinamumunuan ni Police Lieutenant Colonel Roy R Zantua, Hepe ng nasabing istasyon.
Layunin ng aktibidad na mapanatiling malinis ang hanging dumadaloy sa kapaligiran, maiwasan ang pagbaha, at mapanatiling malinis ang baybaying dagat para makaiwas sa anumang sakit na dulot ng maruming kapaligiran.