Katarungang Pambarangay Seminar, nilahukan ng BPATs at mga opisyales sa Candelaria, Zambales
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at mga opisyales ng barangay sa seminar ukol sa Katarungang Pambarangay na ginanap sa Barangay Dampay, Candelaria, Zambales nito lamang Biyernes, ika-25 ng Enero 2024.
Ang naturang seminar ay pinangunahan ng mga tauhan ng Candelaria Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Ronand S Carpio, Officer-In-Charge.
Natalakay sa seminar ang tungokl sa Katarungang Pambarangay, First Responder, BIDA, Anti-Terrorism, RA 9262, RA 7610, Bastos Law, at E-CLIP.
Layunin ng seminar na hubugin at madagdagan ang kaalaman ng mga kalahok upang maayos nilang magampanan ang kanilang mga tungulin sa pagpapatupad ng kaayusan at katahimikan sa kanilang nasasakupan.