BPATs nakiisa sa pagpapatupad ng City Ordinance sa Tabuk, Kalinga
Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa isinagawang Oplan Sita at police visibility upang ipatupad ang City Ordinance sa Traffic Rules and Regulation sa Tabuk City, Kalinga nito lamang ika-30 ng Enero 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Tabuk City Police Station kasama ang mga miyembro ng BPATs/Tanod. Layunin ng aktibidad na ipatupad ang mga alituntunin sa traffic rules and regulations bilang bahagi ng pangangalaga sa kaligtasan ng mamamayan at upang pigilan ang pag-usbong ng krimen sa nasabing lugar.
Ang pakikipagtulungan ng BPATs at pulisya ay nagpapakita ng kahalagahan ng komunidad sa pagsusulong ng mas ligtas at maayos na kapaligiran.
Ito’y isang huwarang modelo ng pagkakaisa at koordinasyon sa pagitan ng mga sibilyan at awtoridad para sa kabutihan ng lahat.