Simultaneous Tree Planting isinigawa sa Sarangani

Nagsagawa ng simultaneous tree planting activity ang mga Parent-Teacher Community Association (PTCA) at mga atleta ng Jose A. Young Integrated School katuwang ang mga tauhan ng Police Community Relation sa Brgy. Tango, Glan, lalawigan ng Sarangani nito lamang Enero 30, 2024.

Nagtanim ng kabuuang 100 puno ngmMahogany ang mga guro at mga mag-aaral kasama ang mga magulang.

Ang aktibidad ay naglalayong palaganapin ang kamalayang pang-ekolohiya at ang pangangalaga sa kalikasan.

Naging matiwasay naman ang naturang aktibidad dahil sa pagbibigay seguridad ng mga pulisya na dumalo.

Hinihikayat naman ang mga mag-aaral na magtanim ng mas maraming puno at makilahok sa mga ganitong aktibidad upang mapanatili ang kaayusan ng kalikasan para sa hinaharap ng ating mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *