Community Outreach, isinagawa sa Brgy. Luzviminda, Puerto Princesa City
Palawan – Pinangunahan ng Barangay Health Workers ang pagsasagawa ng community outreach program sa Barangay Health Center, Brgy. Luzviminda, Puerto Princesa City, noong Pebrero 1, 2024.
Naimbitahan din sa naturang aktibidad ang mga personahe ng City Mobile Force Company Headquarters sa tulong ni Pat Kyian Ray NE Paez, sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Socrates E Faltado, Officer-In-Charge upang magsagawa ng information drive at demonstration hinggil sa benepisyo at gamit ng cloth diapers sa mga personahe ng BNS at BHWs sa pamumuno ni Mrs. Merla Reño, Barangay Nutrition Action Officer at Mrs. Marilou King, BHW, President.
Kasabay sa programa ang pamimigay ng 50 piraso ng cloth diapers at iba pang baby supplies sa Luzviminda Barangay Health Center sa pangunguna ni Barangay Kagawad Gladden P Dayrit, Committee on Health, Women and Family.
Ang nabanggit na aktibidad ay ipinagkaloob sa mga mas nangangailangang pamilya. Ito ay may adhikaing makatulong at makapag-promote ng pangkabuhayan at ligtas na baby diapers para makatulong na makapagbawas ng mga basura, polusyon, at para lumaki ang mga batang malusog sa komunidad.