KKDAT Baguio Chapter, aktibong nakiisa sa Clean-up Drive

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga At Terorismo (KKDAT) Baguio Chapter sa isinagawang clean-up drive sa Lions Head, Camp 7, Baguio City nito lamang ika-1 ng Pebrero 2024. Ang aktibidad ay pinasimulan ng mga tauhan ng Baguio City Police Station 8 katuwang ang mga KKDAT at UC CCJE interns. Sama-samang nilinisan ng mga kalahok ang mga daan, kalsada, at kanal at pininturahan din ang mga pader. Layunin ng aktibidad na ipaabot sa publiko ang kahalagahan ng kalinisan at pag-suporta sa anti-graffiti campaign.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *