Advocacy Support Group sa Aklan, nagsagawa ng Tree Planting Activity
Aklan- Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa Brgy. Manoc-Manoc, Boracay Island, Malay, Aklan nito lamang ika-3 ng Pebrero 2024.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng Department of Environment and Natural Resources kaugnay sa pagdiriwang ng World Wetland Day, kasama ang Malay Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection, 2nd Aklan Provincial Mobile Force Comapany, Philippine Coast Guard, Ati Community sa Wetland No. 6 at Ati-Village Heritage Park.
May kabuuang isang-daang (100) puno ng niyog at mangrove ang naitanim ng grupo na makakatulong sa pagpapanatili ng maayos na kapaligiran.
Ang pagtatanim ng puno ay nagpapakita ng determinasyon ng naturang grupo na maging tagapagtaguyod ng kalikasan at pangangalagaan ang kapaligiran para sa magandang kinabukasan.