BPATs, nakiisa sa Clean-Up Drive sa Palapag Northern Samar

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams sa isinagawang Clean-Up Drive sa Barangay Bagacay, Palapag, Northern Samar, nito lamang Sabado, ika-3 ng Pebrero 2024.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Team Bagacay sa pamumuno ni PLt John Paul C Tan, Auxiliary Team Leader at PEMS John Calvin V Paa, Security Team Leader sa pangangasiwa ni PCol Sonnie B Omengan, Provincial Director NSPPO.

Patuloy naman ang pagsuporta nang ating mga kapulisan sa mga ganitong aktibidad ng sa gayo’y magkaroon ng ligtas at kaaya-ayang kapaligiran katuwang ang mga opisyal ng barangay at nang ating komunidad.

Layunin ng aktibidad na ito na mapanatili ang kaayusan, kalinisan at upang maisulong ang pangangalaga sa ating kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *