Brgy. Based Advocacy Group, nakiisa sa Dayalogo kontra Droga ng Nasugbu PNP

Nakiisa ang Brgy. Based Advocacy Group sa isinagawang dayalogo at koordinasyon ng Nasugbu PNP sa Brgy. Latag, Nasugbu , Batangas nito lamang Sabado, Pebrero 3, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Staff Sergeant Angelica M Manalo, PCAD/BDCP PNCO sa direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Reynaldo C Domelod, Chief of Police ng Nasugbu Municipal Police Station.

Tinalakay ang patungkol sa Drug Awareness Information Drive patungkol sa Anti-illegal Drugs Campaign kaugnay sa BIDA Program.

Layunin nitong madagdagan ang kaalaman ng mga taga-barangay patungkol sa masamang dulot at epekto ng droga sa isang indibidwal para maiwasang maging biktima nito at mapanatili ang kaligtasan, kaayusan at kapayapaan sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *