KKDAT Besao, aktibong nakiisa sa Clean-up Drive
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at terorismo (KKDAT) Besao Chapter sa isinagawang clean-up drive sa Banao Lake, Mountain Province noong ika-3 ng Pebrero, 2024.
Kasama ring tumulong sa aktibidad ang mga tauhan ng Besao Municipal Police Station kasama ang 1st Mountain Province Provincial Mobile Force Company 4th Platoon Banao Base.
Sama-sama na pinulot at hinakot ng mga kalahok ang mga basura sa mga daan at kalsada simula Banao Lake patungong Kin-iway, Besao.
Nagsagawa rin ng segregation ng nabubulok at hindi nabubulok kabilang ang mga recyclable na basura para sa tamang pagtatapon.
Ito ay upang mapanatili ang kalinisan sa nasabing lugar. Ito rin ay kaugnay sa paglulunsad ng programang KALINISAN (Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan) ng DILG na naglalayong pagsama-samahin ang mga pagsisikap ng pamahalaan na mapanatili at makapagbigay ng malusog at ligtas na kapaligiran para sa lahat sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga yunit ng Lokal na Pamahalaan at pagpapagana ng komunidad.
Layunin din nito na ipaabot sa publiko ang kahalagahan ng paglilinis sa kapaligiran at tamang pagtatapon ng basurang nakasasama sa ating kalusugan.