Estudyante ng Quiling Elementary School, nakiisa sa Information Drive sa Batangas
Nakiisa ang mga estudyante ng Quiling Elementary School sa isinagawang Information Drive ng pulisya kaugnay sa programang PNP OPLAN BES (Bisita Eskwela) na ginanap sa Barangay Quiling, Talisay, Batangas nito lamang ika-5 ng Pebrero 2024.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng Talisay Municipal Police Station na aktibong nilahukan ng mga estudyante mula sa ika-6 na baitang ng naturang paaralan.
Tinalakay sa naturang aktibidad ang epekto ng Social Media sa kasalukuyang panahon, paksang may kaugnayan sa Republic Act 8353 o Anti-Rape Law in relation to “Project Juan”, Executive Order 70 TF-ELCAC, Drug Awareness, Buhay Ingatan Droga’y Ayawan (BIDA) Program at KKDAT.
Layunin nitong ipabatid sa mga mag-aaral ang batas, mga dapat at di dapat gawin upang makaiwas sa krimen, droga at insurhensiya. Hinikayat din na laging mag-ingat at ugaliing maging mapagmatyag sa mga kahina-hinalang tao sa paligid upang makaiwas sa ano mang krimen.