“Adopt-A-Farm” Program, isinagawa
Masugid na nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang “Adopt-A-Farm” Program sa Barangay Kawas, Alabel, Sarangani nitong lamang Pebrero 08, 2024.
Ang programa ay pinangunahan ng mga kawani ng Office of the Municipal Agriculturist (OMAg) na nilahukan ng nasabing grupo kasama ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP), Mindanao State University (MSU) at volunteers ng nasabing barangay.
Layunin ng programang ito na palawakin ang kaalaman sa agrikultura at itaguyod ang Sustainable Sloping Agricultural Technology and Organic (SALT) Approach, upang magkaroon ng malawakang kaalaman sa mga bagong pamamaraan ng pagsasaka.
Isa lamang itong hakbang ng pamahalaan lalo na sa sektor ng agrikultura upang ganap na itaguyod ang masaganang ani para sa magandang kinabukasan ng bawat komunidad.