Kabataan Kontra Droga at Terorismo Cauayan City Chapter, nakilahok sa Color Run for Youth

Nakiisa sa Color Run for Youth ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Cauayan City Chapter at iba pang mga kabataan na ginanap sa Cauayan City, Isabela noong Pebrero 7, 2024.

Ang Color Run for Youth ay inisyatibo ng Cauayan City PNP, KKDAT Cauayan Officers na dinaluhan ng humigit kumulang 400 na mga kabataan.

Ang aktibidad ay nagbigay daan hindi lamang sa makabuluhan at masayang color run kundi pati na rin sa isang nakakaaliw na Zumba Dance na nagbigay kulay at saya sa kanilang umaga.

Sa ilalim ng makabagong Pilipinas, uunahin ng ating gobyerno ang kapakanan ng ating mga kabataang Pilipino sa pagsulong ng kanilang magandang kinabukasan.

Source: KKDAT Cauayan City

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *