BPATs sa Aklan, sumailim sa pagsasanay
Sumailalim sa pagsasanay ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams ukol sa basic first aid at disaster preparedness and management na ginanap sa Tinigaw Multi-Purpose Pavement, Barangay Tinigaw, Kalibo, Aklan nito lamang ika-14 ng Pebrero 2024.
Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office at Kalibo Municipal Police Station na nilahukan ng mga BPATs mula sa Barangay Linabuan Norte, Mobo at Tinigaw.
Ibinahagi at sinanay ang mga kalahok sa kahalagahan ng Basic First Aid at ang mga dapat na gawin sa paghahanda kapag may mga kalamidad na dumating.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng mga programa ng pamahalaan upang palakasin ang kakayahan ng mga force multipliers sa pagharap sa mga kalamidad, sakuna, at palakasin ang kahandaan ng bawat isa sa bawat hamon na kinakaharap ng ating bansa.
Source: Kalibo Municipal Police Station