200 Indibidwal nakatanggap ng regalo at pagkain

Nakatanggap ang nasa 200 indibidwal ng regalo at pagkain mula sa isinagawang Community Outreach Program ng lokal na pamahalaan ng Maasim na ginanap sa Sitio Datal Basak, Barangay Kablacan, Maasim, Sarangani Province nito lamang ika-19 ng Pebrero 2024.

Nakiisa sa naturang aktibidad ang mga Advocacy Support Group at Force Multiplier ng nasabing bayan kasama ang mga tauhan ng Maasim Municipal Police Station.

Sa tulong ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan katuwang ang iba pang mga stakeholder at Advocacy Support Group, mas paiigtingin pa ng Pambansang Pulisya ang pagpapatupad ng batas at pagbibigay serbisyo komunidad para sa inaasam na maunlad na Bagong Pilipinas.

Panulat ni Bry

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *