100 Seklista, nakilahok sa Color Fun Ride 2024
Umabot sa higit kumulang 100 na seklista ang nakilahok sa Color Fun Ride 2024 na ginanap sa Marinduque Provincial Capitol ng Boac, Marinduque nito lamang ika-17 ng Pebrero 2024.
Ang aktibidad ay bahagi ng pagsisimula sa pagdiriwang ng ika-104 na taong pagkakatatag ng Marinduque na may temang “Mga Aral ng Kasaysayan Gabay sa Pag-unlad ng Lalawigan.”
Ang mga nakilahok na seklista ay nagmula sa iba’t ibang bayan ng Marinduque at kasama rin sa nakiisa ang mga kapulisan ng Marinduque Police Provincial Office.
Ang ganitong aktibidad ay magsisilbing inspirasyon sa lahat na maging aktibo para sa malusog at malakas na pangangatawan.
Layunin nito na palakasin at patatagin ang pagkakaisa ng bawat mamamayan at iba’t ibang sektor ng lipunan tungo sa isang bansang nagkakaisa para sa bagong Pilipinas.
Source: Marinduque Police Provincial Office