Coastal Clean-Up Drive, isinagawa sa Occidental Mindoro

Nagsagawa ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan ng Lubang ng coastal clean-up drive sa Barangay Binakas, Lubang, Occidental Mindoro nito lamang Pebrero 20, 2024.

Pinangunahan ni Hon. Michael L Oryani, Municipal Mayor ng nasabing lugar ang pagsasagawa ng aktibidad. Nakiisa rin ang Regional Maritime Unit 4B, Lubang Maritime Law Enforcement Team (MLET), Lubang Municipal Police Station, miyembro ng Mormons at mga nagboluntaryong mamamayan.

Sa isinagawang paglilinis sa dalampasigan ay nakalikom ang grupo ng halos sampung sakong basura na nakakalat sa lugar.

Ang pagsasakatuparan ng gawaing ito ay naglalayong pagsamahin ang mga programa ng mga ahensya ng pamahalaan sa pamamagitan ng solid waste management at clean-up drive.

Tumulong at makiisa sa mga programang pangkalikasan para magsilbing inspirasyon sa karamihan upang panatilihin ang mayaman at masaganang kalikasan para sa ating kinabukasan.

Source: Maritime Pulis RMU IVB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *