Tricycle drivers, nakiisa sa dayalogo ng Tagaytay PNP

Aktibong nakiisa sa dayalogo ang mga tricycle driver ng Barangay Mendez Crossing West, Tagaytay nito lamang Martes, Pebrero 20, 2024.

Tinalakay ng mga tauhan ng Tagaytay Component City Police Station sa direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Charles Daven M Capagcuan ang PNP Campaign against Anti-Criminality at Anti-Illegal Drugs.

Inilahad din ang mga impormasyon hinggil sa pag-iwas sa ipinagbabawal na gamot at ang masasamang epekto nito sa kalusugan, pamilya, at lipunan.

Layunin ng dayalogo na mapanatili ang kaayusan at seguridad ng mga pasahero, paalalahanan ang mga tricycle driver na mag-ingat sa pagmamaneho, at sumunod sa batas.

Ang ganitong mga hakbang ay makakatulong sa ating mga kababayan na palawakin ang kanilang kaalaman na magbibigay kaligtasan at kaayusan sa ating lipunan.

Source: Tagaytay CCPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *